Alam niyo ba yung PETA? Yung group na nagpoprotect sa animal rights at nag-uudyok sa sangkatauhan na maging vegetarian. Madaming ibang grupo ang ayaw sa PETA dahil sa ginagawa nilang paggamit sa mga hubad na babae para sa kailang kampanya. Wala naman siguro masama dun, “sex sells” diba. Kung mga hayop at gulay lang ginagamit nila sa campaign siguradong walang magpe-pay attention sa kanila. Hindi naman ako vegetarian, mahilig ako sa karne pero kumakain din ako ng onting gulay. Sa tingin ko naman mali talaga ang pananakit sa mga hayop, maliban na lang kung kakatayin sila para kainin.
Ito ang tingin ko, iniisip ng ang mga tao na mas superior tayo sa mga hayop, dahil sa ating intellect. Hindi ba ninyo naisip na kung wala ang mga tao, masaya sanang nabubuhay ang mga hayop sa mundong walang global warming, pollution, giyera, at karahasan. Tao ang sumira sa mundong ginawa para sa mga hayop at halaman. Kung sinasabi ng iba na pagwasak sa human rights ang ginagawa sa mga babae ng PETA, karapat-dapat lang yun. Ganti yun para sa lahat ng nagawa ng tao sa Flora at Fauna.
Ito ang Press Release ng PETA:
“We have no intention of changing our tactics until every last animal on the planet is given more respect than women.”
Tama!
Should have been:
We have no intention of changing our tactics until every last animal on the planet is given more respect than human.
By: Jenn on October 16, 2009
at 4:52 am
e kc nga diba mga girls gamit nila pang advertise, saka wala naman may pakealam sa rights ng man diba? puro rights ng woman ang nirereklamo e
By: Mariku on October 17, 2009
at 4:05 am
meron. may pakialam ako haha
By: Jenn on October 17, 2009
at 12:19 pm
haha, bakit ka ganyan? diba dapat bias ka sa babae?
By: Mariku on October 18, 2009
at 12:52 am
Hindi lang babae ang inaabuso. Marami ring mapang-abusong babae.
Wala naman sa gender yan. Nasa utak pa rin.
By: Jenn on October 18, 2009
at 9:11 am
I mean nasa paraan pa rin ng pag iisip ng tao, sa mga ginagawa nya, sa mga sinasabi nya
By: Jenn on October 18, 2009
at 9:11 am
haha, naisip ko lang kasi, may mga women and children’s protection desk sa pulisya, tas anjan pa yung gabriella, bakit rights ng lalaki walang nagdedefend?
By: Mariku on October 19, 2009
at 4:58 am
oo nga, yun na unfair talaga e.
By: Jenn on October 19, 2009
at 12:21 pm