Posted by: Mariku | July 25, 2013

I Keep Coming Back To Manila… NOT!

Dati, Erap Jokes ang uso, ngayon Erap memes na.

Bobong exconvict na binoto ng mga bobong nakakuha ng panandaliang pera.

Bawal na yung mga bus na walang terminal sa Maynila na pumasok sa Maynila. Para daw mabawasan ang trapik. E tangina ano nangyari? Ang hirap sumakay, punuan mga jeep, unahan, siksikan, maglalakad pa. Oo na, mareklamo na kung mareklamo, pero tingnan muna natin ang mga sinasabi ng mga MALInenyo sa FB tungkol sa isyu.

“My God, so dami naman reklamo. It’s like onting lakad lang at dagdag pamasahe kapalit ng mabilis na byahe, lol haters.”
“Nabawasan na ang trapik sa Manila. E di gumaya din yung mga taga ibang city kung gusto nila.”
“Konting sakripisyo lang. Gusto niyo kasi binebeybi kayo.”
“Tangina Manilenyo ako at pabor samin to. Wala kami pakealam kung mahassle yung ibang hindi naman taga Maynila.”

Tingnan naman natin kung anong klaseng logic meron yung mga nagsabi niyan.

Hindi ko alam kung feeling mayaman yung mga taga Maynila sa taas, pero hindi lahat may pera na magdagdag pa ng pamasahe. Akala ata nila lahat ng naapektuhan ay mga middle class lang na nagcocommute. Tapos konting lakad? Itanong mo dun sa mga lolo’t lolang commuters kung ano ang basehan gaano kakonti ang lakad.
Sa tingin ba ng mga to, pag gumaya ang Makati sa pinaggagagawa nila magiging masaya? E karamihan sa Makati nagwowork. Kung bawal na yung Makati na bus galing Taft, tapos paglalakarin sila mula Quirino hanggang Ayala, magreresign ba sila sa company nila at sa Manila na lang maghahanap ng trabaho?
Kung makaasta sila parang nabawasan yung trapik in general, pero hindi, sa kanila lang. Ano nangyari sa QC at Pasay, lahat ng bus na bawal dun sila nagiikutan at dun nagkatrapik. Mga gago e, solusyon para mabawasan trapik sa kanila ay ipasa sa ibang city yung trapik, tangina bobo e. Pabor lang to sa mga may sariling sasakyan, hindi nagcocommute, at kasama si Erap dun.

Ang alam ko pinatupad na ni Lim to dati, pero para sa mga bus lang galing Cavite, tas bawal lang sila pag rush hours. Ok pa to kasi limitado lang ang bawal, at least nasasalvage yung mga snatcher at holduper nung time na yun.

Simple lang naman ang nangyari. Nabawasan ang trapik pero nabawasan din ang masasakyan mo.
Ano ang okay?
a. nakasakay ka kahit mabagal usad ng trapiko
b. hindi ka makasakay at walang kang ikokonsider na trapiko kasi nakatayo ka lang sa abangan ng sasakyan habangbuhay nakatingin sa mga dumadaang jip na puro siksikan na

bobo kampi sa bobo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: