Ang galing talaga ng ugali ng mga Pinoy noh. Nasalanta na sila ng baha at pinatira na sa mga eskwelahan na ginawang evacuation centers, ganun pa ang ang pinaggagagawa nila. Yung mga bagong cabinet ng mga classrooms inuupuan at hinihigaan nila, nasira tuloy. Ganun ba talaga ang paggamit gamit nila sa cabinet? E anu ginagawa nila sa kama nila nung wala pang baha, nilalagyan ba nila ng gamit? Ito pa, pagbalik ng mga estudyante sa mga classrooms wala na yung mga electric fans dun. Akala ata ng mga evacuees kasama sa relief goods yung mga bentilador kaya kinuha rin nila. At wag kalimutan ang basura, kaya bumaha sa mga lugar nila ay dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan, at ngayong nasa evacuation centers sila doon naman sila nagkakalat. Nakakaasar diba, tutulungan mo ang mga taong sinira ang sarili nila dahil sa salahulang ugali nila at pag binalikan na sila ng karma ay kala mo mga gulay na walang magawa.
Napanood ko lang to sa news pero kung nangyari talaga to, nakakadismaya talaga. Binigyan na nga sila ng lugar na matutuluyan kahit naantala ang pag-aaral ng mga estudyente, pero ganun pa ugali nila. Pagkakalat ng basura, pagnanakaw at pagsira ng mga gamit, yan ang ganti nila sa mga relief goods na pinapadala sa kanila. Dahil ba sa bagyo kaya naapektuhan ang mga utak ng mga nasalanta o likas lang talaga na ganun sila?

kelangan ata nila si buddha para ma-enlighten sila.
BTW, pag nagko comment ka sa blog ko, lagay mo dapat link ng blog mo dun sa website part kung gusto mo may makapunta din dito sa blog mo
By: Jenn on October 14, 2009
at 1:51 pm
hindi ba automatic yun pag niclick nila name ko?
By: Mariku on October 15, 2009
at 3:47 am
hindi. wala nga link sa name mo e.
By: Jenn on October 15, 2009
at 3:07 pm
Dun mo ayusin sa Dashboard mo. Users > Your Profile > Website.
By: Jenn on October 15, 2009
at 3:08 pm